UAE gov’t nag-donate sa bansa ng 50 RT- PCR machines
Natanggap na ng Pilipinas ang donasyon ng pamahalaan ng United Arab Emirates (UAE) na 50 RT- PCR machines.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), dumating sa bansa ang ilang cargo boxes na naglalaman ng RT-PCR machines at testing kits sa NAIA Terminal 3.
Ibibigay ang mga donasyon sa National Task Force (NTF) against COVID-19 at Department of Health (DOH).
Sumaksi sa pagdating ng shipment sina UAE Ambassador to the Philippines Mohamed Obaid Salem Alqataam Alzaabi, Foreign Affairs Assistant Secretary for Middle East and African Affairs Alfonso Ver, at Ambassador of the Philippines to the UAE Hjayceelyn Quintana.
Ang ipinagkaloob na RT-PCR machines ay kaalinsabay ng ika-48 anibersaryo ng diplomatic relations ng Pilipinas at UAE.
Moira Encina