UAE, nagbantang ikukulong ang mga kumukutya sa kanilang anti-Covid measures
Nagbanta ang United Arab Emirates na ikukulong ang sinumang pinagtatawanan ang kanilang anti-Covid measures, makaraang may maglabasan na nakakukutyang mga larawan at video online.
Ayon sa federal prosecutors, maaaring maparusahan ang social media users sa ilalim ng bagong batas na nagpapahintulot sa pagkakulong ng hindi bababa sa dalawang taon at multang katumbas ng $54,000 para sa pagsi-share ng misleading information sa panahon ng isang pandemya.
Ang UAE ay nag-introduce ng ilang bilang ng mga panuntunan para labanan ang bugso ng Omicron variant cases, na nagtulak sa arawang bilang ng mga kaso sa pinakamataas na lebel simula noong nakalipas na Marso.
Sa pahayag ng Federal Emergency Crisis and Disasters Prosecution . . . “The warning followed the recent circulation of photos and videos on social media accompanied by comments and songs mocking the precautionary measures and calling on others to flout them. We therefore, call upon members of the community to refrain from this behaviour, which is punishable by the law.”
Sa nakalipas na mga linggo ay tumaas ang testing requirements, kung saan maraming employers ang nag-demand ng regular negative PCR results, na sanhi para ma-pressure ang test centers.
Ang mga residente sa Abu Dhabi ay kailangan ng negative PCR result kada dalawang linggo, at kailangan na rin ng tests bago makapasok sa government buildings.
Ipinagbawal na rin ng UAE ang foreign travel para sa mga mamamayan na hindi pa nakapagpapa-booster shot.
Sa ngayon, host ang UAE sa Dubai Expo, ang anim na buwang world fair na dinayo na ng higit siyam na milyong bisita.
Ang UAE ay nakapag-ulat na ng 2,511 bagong mga kaso kahapon, Martes.