Uber at Grab hindi muna papayagan ang kanilang mga sasakyan na makapag-operate ng walang provisional authority o certificate of public convenience
Hindi muna papayagan ng Uber at Grab ang kanilang mga sasakyan na makapag-operate ng walang provisional authority o certificate of public convenience.
Ayon kay Atty. Aileen Lizada, board member at Spokesperson ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board , napagkasunduan nila ito sa pakikipagpulong nila sa mga kinatawan ng Grab at Uber.
Sa nasabing pulong ay inisa-isa ng ahensya ang napakaraming mga paglabag ng Grab at Uber sa mga panuntunan na kakabit ng accreditation na ibinigay sa kanila ng ahensya.
Kasabay nito ay idinepensa ni Lizada kung bakit multa lamang at hindi kanselasyon ng permisong makabiyahe ang ipinataw nilang parusa sa Grab at Uber.
Paliwanag ni Lizada batid ng LTFRB ang pangangailangan ng mga mananakay na tumatangkilik sa mga Transport Network Vehicle Service.
Sa ngayon, wala pang malinaw na batas na sumasakop sa TNVS dahil wala pang ipinapasa ang kongreso.