Ugnayan ng Japan at UK ipinagmalaki ni King Charles sa ginawang state visit ng Japanese royals
Ipinagmalaki ni King Charles III ang “malapit na pagkakaibigan” ng Britanya at Japan, sa isang marangyang state banquet para kay Emperor Naruhito at Empress Masako sa Buckingham Palace nitong Martes, sa pagsisimula ng tatlong araw na state visit ng japanese royals.
Ito ang unang state visit sa UK ng isang Japanese head of state simula noong 1998 at, hindi karaniwan ang nabanggit na biyahe, dahil nangyari ito sa panahon ng isang general election campaign.
Ang ilang tipikal na elementong pampulitika, tulad ng pagbisita sa Downing Street, ay inalis alinsunod sa mga patakaran sa neutralidad ngunit ang lahat ng tradisyunal na ‘pageantry’ ay pinanatili.
Britain’s Queen Camilla (R) and Japan’s Empress Masako arrive for a State Banquet at Buckingham Palace in London on June 25, 2024, on the first day of their three-day State Visit to Britain. – The Japanese royal couple arrived in Britain for a three-day state visit hosted by King Charles III. (Photo by Aaron Chown / POOL / AFP)
Ang emperor at empress, na dumating noong Sabado at nagsagawa ng informal weekend engagements, ay pormal na binati nina Charles at Queen Camilla sa central London sa tunog ng gun salutes at pagpapatugtog sa pambansang awit ng dalawang bansa.
Nakipagkita rin sila sa iba pang dignitaries, gaya ni Prime Minister Rishi Sunak, na nitong nagdaang mga taon ay isinulong ang mas malapit na ugnayan sa Japan.
Ininspeksiyon ng 64-anyos na si Naruhito, at ng 75-anyos na si Charles ang guard of honour bago nagtungo sa Buckingham Palace sa isang carriage procession para sa tanghalian.
Britain’s King Charles III (C) delivers a speech as Queen Camilla and Emperor Naruhito of Japan listen during a State Banquet at Buckingham Palace in London on June 25, 2024, on the first day of a three-day State Visit by Japan’s Emperor and Empress to Britain. – The Japanese royal couple arrived in Britain for a three-day state visit hosted by King Charles III. (Photo by Jordan Pettitt / POOL / AFP)
Kalaunan ay dinala ng hari ang kaniyang mga bisita sa isang special exhibition ng mga kagamitan mula sa Royal Collection na may kaugnayan sa Japan.
Ipinakita ni Charles ang isang 1855 ‘delicately-painted scroll’ mula sa library ni Queen Victoria na nagpapakita sa 17th-century coronation ni Emperor Go-Mizunoo.
Pagkatapos ay nag-alay ng bulaklak ang visiting royals sa puntod ng isang hindi kilalang mandirigma sa Westminster Abbey, kung saan din sila dumalo sa state funeral ni Queen Elizabeth II noong September 2022.
Natapos ang araw sa pamamagitan ng marangyang state banquet, kung saan binigyan ni Charles ng tribute ang “malapit na pagkakaibigan” na nakabase sa isang ‘shared understanding of international rules and institutions,’ na nabuo mula sa mga aral ng kasaysayan, na kinabibilangan din ng madilim na bahagi.
Sinabi ng hari, “Today, as we face a world in which these principles are ever more challenged, our shared values of freedom, democracy and the rule of law are more important than ever.”
Binati rin ni Charles ng maligayang kaarawan ang kilalang Japanese animated character na si “Hello Kitty,” ang maliit na puting pusa na naninirahan sa Britanya na kamakailan ay naging singkuwenta anyos na.
Britain’s King Charles III (R), Britain’s Queen Camilla (2L), Japan’s Emperor Naruhito (2R) and Japan’s Empress Masako arrive to pose for a formal photograph ahead of a State Banquet at Buckingham Palace in London on June 25, 2024, on the first day of their three-day State Visit to Britain. – The Japanese royal couple arrived in Britain for a three-day state visit hosted by King Charles III. (Photo by Kirsty Wigglesworth / POOL / AFP)
Ang biyahe sa Britanya ay ikalawa nang official state visit ng emperador mula nang maupo ito sa Chrysanthemum Throne noong 2019, kasunod ng isang biyahe sa Indonesia noong nakaraang taon.
Ito ay orihinal na dapat naganap noong 2020 at ito sana ang magiging unang pagbisita sa ibang bansa ng emperador ngunit naantala ito ng pandemya ng coronavirus.
Ito naman ang ikatlong state visit hosting ni Charles mula nang maging hari siya, kasunod nang pagkamatay ng kaniyang ina.
Inanunsyo noong Martes na inaprubahan niya ang isang parangal para sa Nissan CEO na si Makoto Uchida, kaya siya ay naging isa nang Honorary Commander ng Most Excellent Order of the British Empire (CBE), para sa kaniyang mga naging serbisyo sa UK-Japan business relations.
Ngayong Miyerkoles, bibisita si Naruhito sa The Francis Crick Institute, ang flagship biomedical research centre ng UK, bago naman siya bigyan ng isang banquet ng Lord Mayor at ng City of London Corporation mamayang gabi.
Britain’s King Charles III (R) and Japan’s Emperor Naruhito attend a State Banquet at Buckingham Palace in London on June 25, 2024, on the first day of their three-day State Visit to Britain. – The Japanese royal couple arrived in Britain for a three-day state visit hosted by King Charles III. (Photo by Jordan Pettitt / POOL / AFP)
Pormal na magpapaalam ang emperor at empress sa hari at reyna sa Buckingham Palace bukas ng umaga, Huwebes, bago dumalo sa “Japan: Myths to Manga” exhibition sa V&A museum sa London.
Pagkatapos ay magkakaroon ng pribadong pagbisita ang emperador sa Windsor Castle upang mag-alay ng bulaklak sa puntod ng namayapang reyna.
Si Elizabeth, na ang 70-taong pamumuno ay nagsimula noong 1952, ay naging host ng dalawang Japanese state visits. Una ay ang pagbisita ni Emperor Hirohito noong 1971, pagkatapos ay ang sa panganay nitong anak na si Emperor Akihito, na ama ni Naruhito noong 1998.
Ang Japanese couple ay didiretso sa Oxford, kanluran ng London, sa Biyernes at lilipad pabalik sa Japan mula sa paliparan na malapit doon.