Ugnayan ng PH at China sa ilalim ng Marcos Admin, mas lalakas at lalawak –Chinese envoy
Kumpiyansa si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na mas tatatag at mas lalalim ang relasyon ng Pilipinas at China sa ilalim ng pamumuno nina Bongbong Marcos at Inday Sara Duterte.
Sa statement, binati ni Ambassador Huang sina Marcos at Duterte sa pagka-halal na Presidente at Bise- Presidente ng Pilipinas.
Ayon sa Chinese diplomat, walang duda na mas bubuti ang relasyon ng Pilipinas at China at ng mga mamamayan nito sa ilalim ng pamumuno nina Marcos at Duterte.
Naniniwala rin ang ambassador na dahil sa vision sa bansa at wisdom ng dalawa sa pagharap sa mga iba’t ibang hamon ay maipapakita nito ang “unprecedented unity” para makaahon sa mga problema at maka-rekober sa epekto ng pandemya.
Samantala, sa hiwalay na pahayag ay kinumpirma ni Ambassador Huang na napaabot na niya kina Marcos at Duterte ang congratulatory messages mula kina Chinese President Xi Jinping at Chinese Vice President Wang Qishan.
Moira Encina