Ugnayang militar pinalakas ng Morocco at Israel
Pinaigting ng Israel at Morocco ang ugnayang militar sa ginanap na pulong sa pagitan ng Jewish state army chief at Moroccan defense officials na idinaos sa Morocco.
Si Israeli army chief Aviv Kohavi, ay nakipagkita sa Inspector General ng Royal Armed Forces na si Belkhir El Farouk, sa minister delegate ng Morocco na siyang namamahala sa defense administration na si Abdellatif Loudiyi, at kay intelligence chief Brahim Hassani.
Ito ang unang opisyal na pagbisita ng isang Israeli army chief sa North African kingdom.
Sa ginanap na pag-uusap, ay binanggit ng Morocco ang interes nitong bumuo ng industrial defense projects kasama ng Israel sa Morocco.
Ayon sa pahayag . . . “The meetings discussed opportunities for military cooperation, both in exercises and training, as well as in the operational and intelligence fields.”
Pinutol ng Morocco ang relasyon nito sa Israel noong 2000, kasunod ng outbreak ng ikalawang Palestinian intifada, nguni’t muling binuo ang ugnayan dalawang dekada makalipas sa isang kasunduan kung saan kikilalanin ng Washington ang soberenya ng Rabat sa pinagtatalunang Western Sahara.
Simula noon ay regular nang nagkaroon ng pagbisita ang mga opisyal ng Morocco at Israel sa bawat isa at lumagda ng cooperation deals sa iba’t-ibang larangan.
Isinama rito si Israeli Defense Minister Benny Gantz, na sa isang pagbisita sa kaharian noong Nobyembre ng nakaraang taon ay pumirma ng isang kasunduan sa seguridad na nagpapadali para sa Rabat na makakuha ng mga high-tech exports mula sa defense industry ng Israel.
Noong nakaraang buwan, ang mga tagamasid ng militar ng Israel sa unang pagkakataon ay dumalo sa taunang “African Lion” military exercise – isang malawak na pagsasanay na kinasasangkutan ng libu-libong tauhan mula sa ilang mga bansa, na inorganisa ng Morocco at ng Estados Unidos.
At noong Marso, sa unang pagkakataon mula nang maganap ang 2020 normalization deal, isang delegasyon ng Israeli army ang nakipagpulong sa mga opisyal ng Moroccan sa Rabat, upang umagda sa isang military cooperation agreement.
Ang pakikipagkasundong muli ng Morocco sa Israel, ay muling bumuhay sa matagal na nitong sigalot sa Algeria, na noong Agosto ng nakaraang taon ay pinutol ang diplomatic ties sa Rabat.
© Agence France-Presse