Ugnayang militar sa Estados Unidos, palalakasin ng Taiwan
Sinabi ni Taiwanese President Tsai lng-wen matapos makipagpulong sa bumibisitang mga mambabatas ng Estados Unidos, na palalakasin ng Taiwan ang ugnayang militar sa US upang masugpo ang “authoritarian expansionism.”
Ang limang araw na US Congressional visit ay nangyari matapos na ang isang nangungunang US defense official ay napaulat na gumawa ng isang bihira at lubhang sikretong stopover sa Taiwan, nang sumiklab ang tensyon sa pagitan ng Washington at Beijing dahil sa umano’y Chinese spy balloon.
Matapos makipagpulong sa US delegation sa kaniyang tanggapan sa Taipei, ay sinabi ni Tsai, “Taiwan and the United States continue to bolster military exchanges. Going forward, Taiwan will cooperate even more actively with the United States and other democratic partners to confront such global challenges as authoritatian expansionism and climate change.”
Hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye si Tsai sa kung ano ang masasaklaw ng muilitary exchanges sa hinaharap.
Mas diplomatikong kinikilala ng Washington ang Beijing kaysa Taipei, subali’t ito ang pinakamahalagang international benefactor nito at sumusuporta sa karapatan ng Taiwan na pagdesisyunan ang sarili nitong kinabukasan.
Ang Beijing, na nag-aangkin na ang Taiwan ay bahagi ng kanilang teritoryo at nangakong isang araw ay sasakupin ito, ay tutol sa alinmang official exchanges sa US at ikinagalit nito ang pagpunta ng US politicians sa Taiwan nitong nagdaang mga taon.
© Agence France-Presse