UK, edad at hindi trabaho ang pagtutuunan ng pansin sa susunod na pagbabakuna
LONDON, United Kingdom (AFP) – Ibabatay na ng Britanya sa edad sa halip na sa occupational risk, ang susunod nilang pagbabakuna laban sa COVID-19.
Sa isang televised press conference, ay sinabi ni Health Secretary Matt Hancock na pinili ng Joint Committee on Vaccination and Immunisation (JCVI) ng Britanya, na ibatay sa edad ang pagbibigay ng bakuna para mas maraming buhay ang maisalba.
Ayon kay Hancock . . . “This is the fastest and simplest way to roll out the jab. Our moral duty is to put saving lives first, and that’s what we’ve done. Following an age-based programme will be simple, and simplicity has been one of the cornerstones of the current programme in terms of speed and success. Speed is the critical factor here.”
Ang Britain ay nakapagbakuna na ng 19 na milyong katao, 35 porsyento ng lahat ng adult at planong tapusin ang pagbabakuna sa buong populasyon sa katapusan ng July.
Ayon sa JCVI, target nila na ibigay ang unang dose sa mga lampas edad 50 at sa vulnerable groups sa kalagitnaan ng Abril, bago isunod ang pagbabakuna sa mga nasa edad 40, sunod ay mga nasa edad 30 at susunod ang mga lampas ng 18 anyos.
Sinabi ni Professor Wei Shen Lim, isang miembro ng komite, na mas mabilis ang magiging progreso ng pagbabakuna kung ibabatay ito sa edad sa halip na sa occupational risk.
Subalit ang naturang desisyon ay binatikos ng pulisya kung saan tinawag nila iyon na . . . “contemptible betrayal of police officers.”
Sa tweet ni John Apter, national chaorman ng Police Federation of England and Wales na kumakatawan sa frontline officers . . . “Their anger is palpable, this will not be forgotten.”
Maging ang mga guro ay nadismaya rin sa naturang desisyon.
Ayon naman sa general secretary ng Association of School and College Leaders, na si Geoff Barton, masama ang kaniyang loob dahil hindi sila naabisuhan ng JCVI tungkol sa nabanggit na pasya.
Ang mga eskuwelhan sa England ay muli nang magbubukas sa Marso a-8, na pinangangambahang magpapataas sa mga kaso ng hawaan.
Sinabi ni Deputy Chief Medical Officer Jonathan Van-Tam . . . “Those working in factories, in the hospitality sector or driving taxis were more at risk from Covid than teachers, and because of the multiplicity of occupations that would need to be called forwards, basing innoculation on where individuals worked would damage the pace of the vaccine rollout.”
Dagdag pa ni Van-Tam . . . “It’s more important to be in the queue and worry less about exactly where you are in the queue. Making that queue move really fast is the key.”
Una nang binanggit ng JCVI, na ang next phase ng kanilang pagbabakuna ay magpo-focus sa mga black, Asian at iba pang ethnic minority communities na sakop ng eligible age bands, maging ang mga obese at mga naninirahan sa “deprived neighbourhoods.”
© Agence France-Presse