UK, nagpalabas ng travel advisory sa mamamayan nito na nasa Pilipinas
Binalaan ng United Kingdom ang mga mamamayan nitong nasa Pilipinas na iwasang mag-biyahe sa Western at Central Mindanao maging sa Sulu area.
Ayon sa Foreign and Commonwealth Office, ito ay kasunod nang patuloy na bakbakan ng militar at Maute group sa Marawi City.
Nakasaad sa travel advisory ng UK government ang pag-iwas din sa pagbiyahe ng kanilang nationals sa Katimugang bahagi ng Cebu kasama ang munisipalidad ng Dalaguete at Badian.
Bagaman hindi kabilang sa advisory ang Camiguin, Dinagat at Siargao Islands, pinaalalahanan din ng uUK government ang kanilang mamamayan hinggil sa pinalawig na deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao.