UK Variant ng COVID- 19 nasa 6 na rehiyon na sa bansa
Mayroon ng mga kaso ng UK variant ng COVID-19 sa 6 na rehiyon sa bansa.
Batay sa datos ng DOH, ang mga ito ay sa Cordillera Administrative Region, National Capital Region, Regions 4A, 7, 10 at 11.
Sa CAR ay may 18 UK Variant cases ang natukoy sa Bontoc Mt. Province, habang 1 naman sa Sabangan, Mt. Province at 4 sa La Trinidad, Benguet.
Habang sa NCR naman ay ang 1 kasong konektado sa MRT cluster sa Pasay City.
Sa Region 4A naman ay mayroong tig isa aa Tanuan, Batangas at San Mateo, Rizal.
Sa Region 7 naman ay may 1 sa Liloan, Cebu.
Sa Region 10 ay may 1 sa Impasugong, Bukidnon.
Habang sa Region 11 naman ay may tig-iia sa New Bataan at Compostela, Davao de Oro at Davao City.
Sa kabila naman nito, nilinaw ng DOH na wala paring mga ebidensya na magsasabing mayroon ng community transmission ng UK variant sa bansa.
Bukod rito, limitado pa lamang din ang samples na nasusuri ng Philippine Genome Center.
Madz Moratillo