UK virus strain, sanhi ng lockdown sa Brisbane, Australia
BRISBANE, Australia (AFP) — Nagpatupad ng biglaang three-day lockdown ang syudad ng Brisbane sa Australian, matapos mahawa sa UK strain ng COVID-19 ang isang manggagawa sa isang quarantine hotel.
Ayon sa mga awtoridad, simula mamayang gabi, higit dalawang milyong residente sa Greater Brisbane ang kailangang manatili sa kanilang tahanan. area would have to stay at home, authorities said.
Sinabi ni Queensland Premier Annastacia Palaszczuk, na kailangang agad kumilos kung nais mahinto ang pagkalat ng UK strain.
Ang variant, na unang na-detect sa UK nitong nakalipas na buwan, ay lumilitaw na mas nakahahawa kaysa COVID-19 starins na unang na-detect sa Australia.
Pinaniniwalaan na ang virus ay humawa sa isang tagalinis mula sa isang byaherong kababalik pa lamang at naka-isolate sa quarantine hotel sa Brisbane, na pangatlong pinakamalaking lungsod sa Australia.
Ang lockdown ay senyales ng pagbabalik ng mga restriksyon na natigil na mula noong Marso, kung saan ang mga residente ay inatasang manatili sa kanilang bahay at magsuot ng mask kung kinakailangan at importante ang dahilan.
Sinabi ni Palaszczuk, na walang bagong kaso ng community transmission na naitala sa Queensland nitong Biyernes, subali’t sinang-ayunan ni Australian Prime Minister Scott Morisson ang hakbang at binigyang diin na kailangang agad na kumilos para mapigilan ang pagkalat ng UK strain sa bansa.
Bago ang lockdown announcement, isa ang Brisbane sa ilang syudad sa Australian na tila nakabalik na sa normal noong summer ng nakalipas na taon.
Subalit ang nangyaring outbreaks sa Sydney at Melbourne kamakailan, ay nagbunsod upang mapilitang magpatupad muli ng mga restriksyon sa byahe sa mga state borders.
Nitong Huwebes ay inanunsyo ni Morrison ang planong paglulunsad ng bakuna, na nakatakdang simulan sa Pebrero.
Ang Australia ay nakapagtala ng higit 28,500 COVID-19 cases at 909 na pagkamatay dahil sa virus.
© Agence France-Presse