Ukay-ukay, patok na patok sa Tabuk City, Kalinga
Malamig man ang nararanasang panahon ngayon sa Tabuk city, Kalinga ay hindi iyon alintana ng mga mamamayan, kung ang pag-uusapan ay tungkol sa pag-uukay-ukay.
Kinagigiliwan kasi ito ng mga Tabukenyo.
Tunay naman kasing nakaaaliw at kawiwilihan ng mga Tabukenyo ang mag-ukay dahil sa naggagandahang mga item na ipinagbibili. Bukod sa abot kayang halaga ay mga de-kalidad pa ang mga ito.
Sari-sari ang mabibili gaya ng mga crystal na pang display, ceramics, branded na bags, stuffed toys, furnitures, relo at marami pang iba.
Dahil dito, maging ang taga ibang probinsya ay dumarayo sa maraming ukayan sa Tabuk City.
Ulat ni Esther Batnag