Ukraine, hindi na ipipilit na maging miyembro ng NATO
Inihayag ni President Volodymyr Zelensky, na hindi na niya ipipilit na maging miyembro pa ng NATO ang Ukraine, isang maselang isyu na isa sa sinasabing dahilan ng Russia sa pagsalakay sa kaniyang pro-Western neighbor.
Sa isa pang malinaw na layuning pakalmahin ang Moscow, sinabi ni Zelensky na bukas siya sa isang “compromise” sa estado ng dalawang breakaway pro-Russian territories, na kinilala ni President Vladimir Putin bilang independent bago simulan ang mga pag-atake noong February 24.
Ayon kay Zelensky . . . “I have cooled down regarding this question a long time ago after we understood that … NATO is not prepared to accept Ukraine. The alliance is afraid of controversial things, and confrontation with Russia.”
Banggit ang NATO membership, sinabi ni Zelensky . . . “I don’t want to be president of a country which is begging something on its knees.”
Sinabi ng Russia na ayaw niya na ang katabing bansang Ukraine ay sumanib sa NATO, isang transatlantic alliance na binuo sa simula ng Cold War para protektahan ang Europe mula sa Soviet Union.
Sa mga nagdaang taon, ang alyansa ay lumawak pa ng husto pa-silangan upang sakupin ang dating Soviet bloc countries, na ikinagalit ng Kremlin.
Ang pagpapalawak sa NATO ay nakikita ng Russia bilang isang banta.
Ilang sandali bago niya ginulat ang mundo sa pamamagitan ng pagsalakay sa Ukraine, kinilala ni Putin bilang independent ang dalawang separatist pro-Russian “republics” sa eastern Ukraine – ang Donetsk at Lugansk – na may alitan na sa Kyiv mula pa noong 2014.
Nais ngayon ni Putin na kilalanin din sila ng Ukraine, bilang nagsasarili at malaya.
Nang tanungin sa demand na ito ng Russia, sinabi ni Zelensky na handa siya para sa isang dayalogo.
Aniya . . . “I’m talking about security guarantees. These two regions have not been recognized by anyone but Russia, these pseudo republics. But we can discuss and find the compromise on how these territories will live on. What is important to me is how the people in those territories are going to live who want to be part of Ukraine, who in Ukraine will say that they want to have them in.”
Dagdag pa niya . . . “So the question is more difficult than simply acknowledging them. This is another ultimatum and we are not prepared for ultimatums. What needs to be done is for President Putin to start talking, start the dialogue instead of living in the informational bubble without oxygen.”