Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy umaasa na mapapalakas pa ang ugnayan ng Pilipinas at Ukraine– DFA
Pinasalamatan ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa pagsuporta nito sa soberenya ng Ukraine.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), sa pag-uusap sa telepono ng dalawang presidente ay hiniling ni Zelenskyy kay Pangulong Marcos ang patuloy na suporta ng Pilipinas sa Ukraine sa United Nations.
Ipinahayag din ng Ukrainian president ang pag-asa nito sa relasyon ng dalawang bansa sa hinaharap.
Sinabi ng DFA na ikinukonsidera ng Ukraine ang Pilipinas bilang strategic partner sa rehiyon.
Binanggit naman ni PBBM sa phone call kay Zelenskyy ang suporta ng Pilipinas sa mga resolusyon ng UN na nagpapatibay sa soberenya, territorial integrity, at political independence ng Ukraine at iba pang UN member states.
Nagpasalamat din si PBBM kay Zelenskyy sa pagtiyak ng ligtas na passage ng mga Pinoy na ni-repatriate mula sa Ukraine.
Sinabi rin ni Presidente Marcos na patuloy na susuportahan ng bansa ang mapayapang resolusyon ng krisis sa Ukraine.
Moira Encina