“Ulysses” lalo pang lumakas, malapit nang maging isang bagyo
Malamang na maging isa nang bagyo si “Ulysses” sa susunod na 24 oras.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakataas na Signal No. 2 sa gitna at timugang bahagi ng Quirino (Maddela, Cabarroguis, Aglipay, Nagtipunan), gitna at timugang bahagi ng Nueva Vizcaya (Kasibu, Bambang, Kayapa, Dupax Del Norte, Dupax Del Sur, Aritao, Santa Fe, Alfonso Castaneda), timugang bahagi ng Benguet (Bokod, Itogon, Tublay, La Trinidad, Sablan, Baguio City, Tuba), timugang bahagi ng La Union (Burgos, Naguilian, Bauang, Caba, Aringay, Tubao, Pugo, Santo Tomas, Rosario, Agoo), Pangasinan, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, Aurora, Bulacan, Metro Manila, Rizal, Laguna, Cavite, Batangas, Quezon kabilang ang Polillo Islands, Marinduque, hilagang bahagi ng Occidental Mindoro (Paluan, Abra de Ilog) kabilang ang Lubang Island, hilagang bahagi ng Oriental Mindoro (Pola, Victoria, Naujan, Baco, Calapan City, San Teodoro, Puerto Galera),
Signal No. 1 naman sa Isabela, nalalabing bahagi ng Quirino, nalalabing bahagi ng Nueva Vizcaya, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, nalalabing bahagi ng Benguet, Abra, Ilocos Sur, nalalabing bahagi ng La Union, nalalabing bahagi ng Occidental Mindoro, nalalabing bahagi ng Oriental Mindoro, Romblon, at nalalabing bahagi ng Masbate Northern Samar, gayundin sa hilagang bahagi ng Samar (Santo Nino, Almagro, Tagapul-An, Tarangnan, Calbayog City, Santa Margarita, Gandara, Pagsanghan, San Jorge, San Jose de Buan, Matuguinao), at hilagang bahagi ng Eastern Samar (Maslog, Dolores, Oras, San Policarpo, Arteche, Jipapad).
Si “Ulysses” ay tinatayang nasa 135 kilometro hilaga, hilagangsilangan ng Virac, Catanduanes o 350 kilometro silangan ng Infanta, Quezon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 110 kilometro bawat oras malapit sa gitna, at pagbugsong aabot sa 135 kilometro bawat oras, at kumikilos pa-kanluran sa bilis na 20 kilometro bawat oras.
Ngayong umaga at mamayang hapon, malakas hanggang sa napakalakas na pag-ulan ang inaasahan sa Camarines Norte, Camarines Sur, at Catanduanes.
Tinatayang katamtaman hanggang malakas at minsan ay lubhang malakas na pag-ulan naman ang mararanasan sa Albay, Sorsogon, Quezon including Polillo Islands, and Burias and Ticao Islands.
Habang mahina hanggang sa katamtaman at minsan ay malakas na mga pag-ulan ang inaasahan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon at Visayas.
Mamayang hapon naman at bukas ng umaga, malakas hanggang sa napakalakas na pag-ulan ang tinatayang mararanasan sa Camarines Norte, Camarines Sur, Metro Manila, CALABARZON, Aurora, Bulacan, Pampanga, at Bataan, habang katamtaman hanggang sa malakas at minsan ay napakalakas na pag-ulan ang inaasahan sa Cordillera Administrative Region, mainland Cagayan Valley, Catanduanes, Marinduque, hilagang bahagi ng Mindoro Provinces, at nalalabing bahagi ng Central Luzon.
Mahina hanggang katamtaman at minsan ay malakas na pag-ulan naman ang tinatayang mararanasan sa iba pang bahagi ng Luzon at Visayas.
Ayon sa PAGASA, maaaring magkaroon ng storm surges sa mga baybayin ng Quezon kabilang na ang Polillo Islands, Camarines Norte, Catanduanes, hilaga at silangang baybayin ng Camarines Sur, mga baybayin ng Aurora, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Batangas, hilagang bahagi ng Mindoro Provinces kasama na ang Lubang Island, Marinduque, Romblon, Masbate kasama ang Ticao at Burias Islands, Albay, at Sorsogon, at nalalabing baybayin ng Camarines Sur.
Dagdag pa ng PAGASA, may bahagyang panganib din ng storm surge sa mga baybayin sa paligid ng Laguna de Bay.
Sa susunod na 24 oras, maalon hanggang napaka maalong dagat ang mararanasan sa mga lugar na nasa ilalim ng storm signals at sa eastern seaboard ng Eastern Samar.
Magdadala rin ng maalon hanggang sa napaka maalong dagat ang Northeast Monsoon, sa nalalabing baybayin ng Northern Luzon at maalong dagat naman sa mga baybayin ng Kalayaan Islands.
Sinabi pa ng PAGASA na mararanasan din ang maalong dagat sa kanlurang baybayin ng Palawan kabilang ang Calamian Islands, at silangang baybayin ng Mindanao.
Liza Flores