Umabot na sa 102 kandidato sa BSKE ang binigyan ng show cause order ng Comelec dahil sa paglabag sa premature campaigning.

Ayon kay Comelec chairman George Garcia, binigyan ng 3 araw mula ng matanggap ang show cause order ang mga nasabing kandidato para magpaliwanag ng kanilang panig.

Ayon kay Garcia, ang pag-aksyon na ito ng poll body dahil sa mga nakita mismo nilang paglabag ng ilang kandidato habang ang iba ay naireport sa kanila.

Muli namang nagbabala si Garcia sa mga kandidato sa BSKE na bawal ang premature campaigning.

Kapag naghain na ng certificate ang candidacy ang isang indibidwal ikinukunsidera na siyang kandidato kaya pwede lang silang mangampanya sa campaign period na itinakda sa october 19 hanggang 28.

Nagbabala rin ang opisyal na kahit sa social media ay nagbabantay sila.

Samantala, iniulat ng Comelec na umabot na sa 168 ang natanggap nilang petisyon patungkol sa BSKE.

Ang iba rito ay petisyong nais maideklara ang partikular na kandidato bilang nuisance, habang may ilan na gustong magpakansela ng COC, at ang iba gustong madiskwalipika ang partikular na kandidato.

Nagpa-alala naman ang Comelec na tapos na ang period ng filing ng petition nuisance, at cancellation.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *