Umanoy dayaan noong 2016 elections, binubusisi na ng senate committee on electoral reforms
Sinimulan nang imbestigahan ng senate committee on electoral reforms and pepples participation ang mga alegasyon ng dayaan noong 2016 elections.
Batay ito sa privelege speech ni Senate President Vicente Sotto na may nangyaring hokus pokus sa resulta ng halalan.
Nauna nang sinabi ni Sotto na dalawang araw bago ang eleksyon noong Mayo o may 10 hanggang 11, nagsimula na ang transmission ng resulta ng eleksyon gayong wala pang nangyayaring halalan.
Pero bigong makadalo sa unang ang dalawang testigo ni Sotto na maglalahad sa mga kwestyonableng proseso sa 2016 national elections.
Kabilang sa mga isyung patutunayan sana ng dalawang testigo ang early transmission of votes, foreign access sa server, incomplete transmission at ang paggamit ng queing servers.
Ayon kay Atty Levito Baligod, hindi nakarating ang dalawa dahil mayroon silang kontrata na hindi dapat maglabas ng anumang impormasyon hinggil sa kanilang trabaho.
Pero kinumpirma ni Baligod na ang dalawa ay bahagi ng grupo na nagdevelop at nag-operate ng softwares na ginamit noong halalan kaya’t maituturing silang credible witness.
Ulat ni Meanne Corvera