Umano’y ill gotten wealth ni COMELEC Chairman Andres Bautista dapat maimbestigahan ayon sa Malakanyang
Dapat na maimbestigahan ang kontrobersiyang kinasasangkutan ni COMELEC Chairman Andres Bautista.
Ito’y may kaugnayan sa alegasyon mismo ng asawa ni Bautista na si Patricia Paz Bautista na nagkamal ang COMELEC Chief ng kuwestiyonableng yaman na aabot sa isang bilyong piso.
Sa press briefing sa Malakanyang inihayag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na kailangang masiyasat ang buong pangyayari kasunod ng paghahain ng affidavit ni Mrs Bautista sa NBI hinggil sa pagkakadiskubre niya ng umano’y iregularidad.
No comment naman si Abella sa posibilidad na may bahid pulitika ang isyu batay na rin sa pahayag ni Chairman Bautista.
Batay sa 2016 Statement of Asset Liabilities and Networth o SALN ni Chairman Bautista umaabot lamang sa 176.3 milyong piso ang deklaradong yaman nito.
Ulat ni: Vic Somintac