Umano’y isyu sa iligal na droga, hinihinalang dahilan kaya hindi na muling nahirang bilang National Artist si Superstar Nora Aunor

 

Sa ikalawang pagkakataon hindi na naman kasama si superstar Nora Aunor sa mga gagawaran ng National Artist awards.

Batay sa advisory na ipinalabas ng Malakanyang, kabilang sa mga gagawaran ni Pangulong Rodrigo Duterte ng National Artist title ay sina Francisco Mañoza sa larangan ng architecture, Eric de Guia o mas kilala bilang kidlat tahimik sa larangan ng film, Ramon Muzones sa larangan ng literature, Ryan Cayabyab sa larangan ng musika, Amelia Lapeña Bonifacio sa larangan ng teatro at Lauro Larry Alcala sa larangan ng visual arts.

Sinabi ni Sabrina Tan, project coordinator ng National Commission for Culture and Arts (NCCA) na awtomatiko nang kasama si Aunor sa mga nominado sa national artist awards ngayong taon.

Taong 2014 na nominate na rin si Nora Aunor sa National Artist awards sa larangan ng pelikula subalit hindi inaprubahan ni dating Pangulong Benigno Aquino III dahil sa kaso ng iligal na droga.

Ayon kay Tan dahil sa dati nang nominado si Nora Aunor awtomatiko nang hindi siya dumaan sa deliberation process.

Gayunman niliwanag ni Tan na wala pang natatanggap ang NCCA na opisyal na pahayag mula sa Malakanyang  kaya hindi  makapagkokomento sa hindi pagkakasama sa pangalan ni Nora Aunor.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *