Umano’y pork insertion sa 2020 National Budget, hindi palulusutin ni Pangulong Duterte – Malakanyang
Hindi magdadalawang isip si Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin ang kanyang line veto power proposed 2020 National Budget na nagkakahalaga ng 4.1 trilyong piso kung mapapatunayan itong kargado ng pork barrel na labag sa batas.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo bubusisiing maiigi ng Pangulo ang pambansang pondo at hindi ito lalagdaan ng Pangulo kung may iligal o labag sa Konstitusyon ang nakapaloob dito.
Ito ang inihayag ng Malakanyang kasunod na rin ng pagbubulgar ni Senador Ping Lacson sa umano’y pork barrel insertions na ginawa ng mga kongresista.
Sinabi ni Panelo na abugado ang Pangulo kung kaya’t alam nito kung may nakapaloob ditong labag sa batas.
Matatandaang sinertipikahang “urgent” ni Pangulong Duterte ang panukalang pambansang pondo para sa 2020.
Ulat ni Vic Somintac