Umano’y presensya ng Chinese bomber planes sa West Philippine Sea, idudulog ng Pilipinas sa Bilateral mechanism sa China

Hindi ipinagwawalang bahala ng Malakanyang ang ulat na mayroon ng Chinese bomber planes sa mga pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea.

Sa briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque nakakabahala sa panig ng Pilipinas ang ginagawa ng China.

Ayon kay Roque igigiit ng Pilipinas ang Asean statement na dapat panatilihin ang non-militarization sa mga pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea.

Inihayag ni Roque na idudulog ng Pilipinas sa bilateral mechanism sa China na ginagawa ng Pilipinas at China dalawang beses kada taon.

Niliwanag ni Roque sa kabila ng ulat na mayroon ng bomber planes ang China sa West Philippine sea hindi pa rin ito ituturing na banta sa Pilipinas.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *