UN aid agency na UNRWA, pinatawan ng ban ng Israel
Nagpasa ang Israel ng isang batas na nagbabawal o nagpapataw ng ban sa U.N. Palestinian refugee agency na UNRWA para mag-operate, isang batas na maaaring makaapekto sa misyon nito sa Gaza.
Binanggit ng mga mambabatas na bumalangkas ng batas, ang anila’y pagkakasangkot ng ilang kawani ng UNRWA sa pag-atake noong Oktubre 7, 2023, sa katimugang Israel, at ang pagiging kasapi ng mga tauhan nito sa Hamas at iba pang mga armadong grupo.
Ikinaalarma ng United Nations ang batas, at ilan sa Western allies ng Israel ang nangangamba na lalo lamang nitong palalalain ang malubha nang humanitarian situation sa Gaza, kung saan isang taon nang naglalabanan ang Israel at Hamas militants. Ang ban ay hindi tumutukoy sa mga operasyon sa Palestinian territories o sa iba pang mga lugar.
Sinabi ni Prime Minister Benjamin Netanyahu sa isang post sa social media pagkatapos ng botohan, “UNRWA workers involved in terrorist activities against Israel must be held accountable. Since avoiding a humanitarian crisis is also essential, sustained humanitarian aid must remain available in Gaza now and in the future.”
Dagdag pa niya, “In the 90 days before this legislation takes effect – and after – we stand ready to work with our international partners to ensure Israel continues to facilitate humanitarian aid to civilians in Gaza in a way that does not threaten Israel’s security.”
Ipinasa rin ng parliyamento ang isang addendum sa bagong batas na nagsasabing hindi na maaaring magkaroon ng kontak ang mga awtoridad ng Israel sa UNRWA, subalit maaari namang magkaroon ng exceptions dito sa hinaharap.
Ayon sa pinuno ng UNRWA na si Philippe Lazzarini, “The vote is a ‘dangerous precedent’ that opposes the U.N. charter and violates Israel’s obligation under international law.”
Aniya, “This is the latest in the ongoing campaign to discredit UNRWA and delegitimize its role towards providing human-development assistance and services to Palestinian refugees.”
Ang UNRWA, o ang United Nations Relief and Works Agency for Palestine Refugees, ay mayroong libu-libong mga manggagawa na nagkakaloob ng tulong pang-edukasyon at pangkalusugan at iba pang mga ayuda sa milyun-milyong Palestinians sa Gaza, sa West Bank, Jordan, Lebanon ar Syria.
Matagal nang tensiyonado ang relasyon nito sa Israel, ngunit ang ugnayan nila ay lalo pang nasira simula nang mag-umpisa ang giyera sa Gaza, at paulit-ulit na nanawagan ang Israel na buwagin na ang UNRWA, at ang mga responsibilidad nito ay ilipat na lamang sa ibang ahensiya ng U.N.
Noong Agosto ay sinabi ng U.N. na siyam na staff ng UNRWA na maaaring sangkot sa Oct. 7 assault ang inalis na. Isang Hamas commander sa Lebanon na napatay noong isang buwan sa isang Israeli strike, ang nadiskubreng may trabaho sa UNRWA.
Isa pang kumander na napatay sa Gaza noong isang linggo ay isa ring U.N. aid worker. Kinumpirma ng UNRWA na ang dalawang lalaki ay kapwa nila naging mga empleyado.
Sinabi ng isang mambabatas ng Israel na si Sharren Haskel, “If the United Nations is not willing to clean this organization from terrorism, from Hamas activists, then we have to take measures to make sure that they cannot harm our people ever again.”
Aniya, “The international community could have taken responsibility and made sure that they used the proper organizations to facilitate humanitarian aid, like the World Food Organization, like UNICEF, and many others who work all around the world.”
Sinabi naman ng isang tagapagsalita ng UNRWA, na bago ang botohan, ang panukalang batas ay isang “disaster,” at maaaring magkaroon ng isang seryosong epekto sa humanitarian operation sa Gaza at sa occupied West Bank.
Ayon kay Juliette Touma, pangunahing tagapagsalita para sa organisasyon, “We know that previous attempts that aimed at replacing UNRWA and providing humanitarian assistance have failed miserably. It’s outrageous that a member state of the United Nations is working to dismantle a UN agency which also happens to be the largest responder in the humanitarian operation in Gaza.”
Ang batas ay malamang na direkta ring makaapekto sa mga institusyon ng UNRWA sa East Jerusalem, na sinakop ng Israel, isang hakbang na hindi kinikilala ng ibang bansa.
Sinabi naman ng isa pa sa mga may-akda ng batas na si Boaz Bismuth, “UNRWA’s work there has been counterproductive for years. If you really want stability, if you really want security, if you want real peace in the Middle East, organizations like UNRWA won’t bring you there.”
Ang Israel ay nakatatanggap na ng “matinding pressure” na dagdagan ang mga hakbang upang mapagaan ang humanitarian crisis sa Gaza at kumuha ng dagdag pang tulong sa mga na-displace dahil sa mga pag-atake ng Israel.
Bago naipasa ang batas, nag-isyu ng statement ang foreign ministers mula France, Germany, Britain, Japan at South Korea, Canada at Australia, na nagopapahayag ng “labis na pag-aalala,”
Batay sa statement, “It is crucial that UNRWA and other UN organizations and agencies be fully able to deliver humanitarian aid and their assistance to those who need it most, fulfilling their mandates effectively.”