UN chief, nagpatawag ng pulong para sa permanent members ng Security Council
UNITED NATIONS, United States (AFP) – Nagpatawag ng pulong si United Nations Secretary-General Antonio Gutierres para sa permanent members ng Security Council upang pag-usapan ang sitwasyon sa Afghanistan.
Nagpadala ng liham si Gutierres para pormal na imbitahan ang Estados Unidos, Britanya, Pransya, Rusya, at China upang magpulong sa Lunes.
Ayon sa mga diplomat, ilang araw na ring pinag-uusapan ng ilang bansang kasapi sa tinatawag na P5 ang posibilidad ng isang pagpupulong.
Sinabi ng isang diplomat, na lahat ng limang bansa ay inaasahang dadalo.
Kinumpirma ng isang tagapagsalita ni Gutierres ang tungkol sa pulong, kung saan hindi kasama ang kasalukuyang non-permanent members ng Security Council.
Ang full Security Council ay huling nagpulong noong August 16, isang araw matapos sakupin ng Taliban ang Kabul para muling kontrolin ang kapangyarihan sa Afghanistan.
Samantala, kinondena rin ni Gutierres ang naganap na pambobomba kahapon sa Kabul airport, na ikinasawi ng dose-dosenang Afghans at maging ng 12 US servicemen na inako ng Islamic State group.
Ayon kay Gutierres . . . “This incident underscores the votality of the situation on the ground in Afghanistan but also strenghtens our resolve as we continue to deliver urgent assistance across the country in support of the Afghan people.”
Agence France-Presse