UN COP16 nature summit, lumikha ng isang permanent body para sa indigenous peoples
Inaprubahan ng mga bansa sa U.N. COP16 summit on nature ang isang panukala upang lumikha ng isang permanent body para sa mga Katutubo, upang komunsulta sa mga desisyon ng United Nations tungkol sa pangangalaga sa kalikasan.
An indigenous man records with his cell phone a press conference at the 16th United Nations Biodiversity Summit (COP16), in Yumbo, Colombia October 31, 2024. REUTERS/Luisa Gonzalez
Ayon sa Indigenous at environmental advocates, ang consultative body ay itinuturing na isang tagumpay sa pagkilala sa papel na ginagampanan ng mga Katutubo sa pangangalaga ng kalikasan sa buong mundo, kabilang ang ilan sa mga pinaka-biodiverse na lugar sa planeta.
Halos 200 mga bansa ang nagtipon-tipon sa Columbian city ng Cali, na ang layunin ay ipatupad ang 2022 Kunming-Montreal Global Biodiversity Framework agreement, na naglalayong pigilan ang mabilis na pagkasira ng kalikasan pagdating ng 2030.
Jhajayra Machoa Mendua, leader of the A’I Cofan nationality, speaks during a press conference at the 16th United Nations Biodiversity Summit (COP16), in Yumbo, Colombia October 31, 2024. REUTERS/Luisa Gonzale
Ang consultative body, na palalawakin din sa mga lokal na komunidad, ay tutulong na maisama ang tradisyonal na kaalaman at mga kasanayan sa conservation efforts.
Pinagtibay din ng mga bansa ang isang panukalang kumikilala sa papel ng mga taong may lahing Aprikano sa pangangalaga sa kalikasan, na ayon sa Colombia na siyang COP16 host, ay magbibigay sa mga komunidad ng mas madaling access sa resources upang pondohan ang kanilang mga proyekto sa biodiversity at lumahok sa mga pandaigdigang talakayan sa kapaligiran.
Ang pagpapatibay sa panukala ay sinalubong ng pag-aawitan ng campaigners, at pasasalamat mula sa Colombian Foreign Minister na si Luis Gilberto Murillo, na nagsabing ang tagumpay ay partikular na mahalaga para sa Latin America at sa Caribbean.
Deisy Brigitte Escobar Piaguaje, Zio Bain indigenous woman from the Buenavista reservation, Ecuador, speaks during a press conference at the 16th United Nations Biodiversity Summit (COP16), in Yumbo, Colombia October 31, 2024. REUTERS/Luisa Gonzalez
Ayon kay Murillo, “Our territories, which cover much of the natural wealth of the planet, have also been home to people of African descent and Indigenous peoples whose sustainable practices are needed to face the environmental challenges that we all share today.”
Bago ito, inanunsiyo na ang Armenia ang magiging host ng COP17, na gaganapin naman sa 2026.