UN hinimok ng African leaders na unahin ang tree planting drive
Hinimok ng anim na African leaders ang United Nations (UN), na unahin ang isang dekada nang tree planting drive upang labanan ang climate change ayon sa isang deklarasyon na inilabas sa pagtatapos ng isang summit sa Republic of Congo.
Nakasaad sa deklarasyon na hiniling ng mga pinuno ang “pagpapatibay sa isang resolusyon ng 79th General Assembly ng United Nations upang opisyal na i-endorsdo” ang plano bago ang taunang pagtitipon sa New York sa Setyembre.
Ang kapitolyo ng Congo na Brazzaville, ay naging host sa ilang araw nang paksang-usapan ngayong linggo, kung saan nagtipon-tipon ang mga eksperto, mga kinatawan ng mga katutubong populasyon, at kanilang technical at financial partners.
Anim na mga lider ang dumalo sa summit, na bahagi ng isang “African and global decade of afforestation and reforestation” na inilunsad ni Congolese President Denis Sassou Nguesso sa ginanap na COP27 sa Egypt noong 2023.
Kasama ni Sassou Nguesso ang kaniyang counterparts na kinabibilangan nina Nana Akufo-Addo ng Ghana, Umaro Sissoco Embalo ng Guinea-Bissau, Faustin Archange Touadera ng Central African Republic, Brice Oligui Nguema ng Gabon, at Sahle-Work Zewde ng Ethiopia.
Ang isang “Deklarasyon ng Brazzaville” na inilabas sa pagtatapos ng summit ay nanawagan sa UN, upang kanilang mapagtanto ang “kahalagahan para sa planeta” ng inisyatiba na magtanim ng higit pang mga puno upang labanan ang pagbabago ng klima at ang mga kahihinatnan nito.
Ayon pa sa nilalaman ng deklarasyon na binasa ng minister for forest economy ng Congo na si Rosalie Matondo, nananawagan din ang mga pinuno sa UN na magsagawa ng isang “biennial or rotating basis from one continent to another international conference on reforestation.”
Sinabi naman ni Sassou Nguesso, “This conference seems to be the beginning of a process of research and a life-saving response. The situation we already know (climate change) remains worrying.”
Aniya, “The need for action is clear… it’s all about the will to act and putting in the necessary effort.”
Pahayag ni Moussa Faki Mahamat, chairman ng African Union Commission, “The great challenge today is not only to stop the disappearance of forests, but also to restore those that have disappeared and then create new ones.”