UN Special rapporteur Agnes Callamard, sinabihan ng Malakanyang na huwag gamitin ang posisyon para siraan ang gobyerno ng Pilipinas

Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na hindi dapat ginagamit ni United Nations Special Rapporteur Agnes Callamard ang kanyang posisyon sa panghihimasok sa panloob na usapin ng Pilipinas at sinisiraan ang Administrasyong Duterte gamit ang mga walang basehang akusasyon at maling impormasyon.

Ito ang sinabi ng Malacañang sa naging pahayag ni Callamard kung saan ay binatikos nito ang panukalang nagpapababa sa criminal responsibility ng mga menor de edad sa bansa.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Salvador Panelo, na habang patuloy ang panghihimasok ni Callamard sa mga panloob na usapin ng Pilipinas ay lalo itong nawawalan ng kredebilidad bilang isang UN special rapporteur.

Sinabi Panelo na committed si Pangulong Rodrigo Duterte na tiyakin ang kaligtasan ng mga kabataan sa bansa pati ang pagpapanatili ng mapayapang kapaligiran ng mga ito sa pamamagitan sa pagtugis sa mga sindikatong gumagamit ng mga bata sa kanilang mga iligal na gawain.

Tiwala din ang Malacañang na gagawa ang Kongreso ng batas na magbibigay ng konsiderasyon at tamang proteksyon sa karapatan at kapakanan ng mga bata.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *