UN tinapos na ang isa at sinunspinde naman ang iba pang imbestigasyon sa limang staff ng UNRWA na inaakusahan ng Israel
Sinabi ng UN spokesman na si Stephane Dujarric, na isinara na ng UN ang imbestigasyon sa isang kaso at sinuspinde naman ang apat na iba pa, kaugnay sa mga alegasyon ng Israel na 19 na mga miyembro ng UN agency for Palestinian refugees ang sangkot sa October 7 Hamas attack.
Ang UNRWA ay naharap sa kontrobersiya noong Enero nang akusahan sila ng Israel na 12 sa kanilang 30,000 mga empleyado ay sangkot sa cross-border attack, na nagbunga ng pagkamatay ng humigit-kumulang sa 1,160 katao na karamihan ay mga sibilyan batay sa opisyal na bilang ng Israel.
Agad na tinanggal ng UN ang mga isinasangkot na kawani at naglunsad ng isang internal investigation, upang i-assess ang neutrality ng ahensiya na pinamumunuan ng dating French foreign minister na si Catherine Colonna.
Nitong nakalipas na mga linggo, nakatanggap ang UN ng mga impormasyon na pitong karagdagang UNRWA staffers ang umano’y sangkot sa atake, na nagtulak para sa bagong mga imbestigasyon.
Ayon kay Dujarric, “of the initial group of 12 UNRWA members, one case was closed ‘as no evidence was provided by Israel to support the allegations’ against the staff member. We are exploring corrective administrative action to be taken in that person’s case.”
Dagdag pa niya, “Investigations into three other staffers were suspended, as the information provided by Israel is not sufficient.”
Tungkol sa pitong bagong mga kaso, isa rito ay sinuspinde na rin habang nakapending pa ang dagdag na mga ebidensiya mula sa Israel.
Sinabi ni Dujarric, na ang iba pang mga akusadong staff ay namamalaging iniimbestigahan.
Sa isang interim report na nalathala noong Marso, nakasaad na ang UNRWA ay mayroong mahahalagang bilang ng mga mekanismo at procedures upang matiyak ang pagsunod sa Humanitarian Principle of neutrality. Ngunit tinukoy din ng mga imbestigador ang ‘critical areas’ na kailangan pang tugunan.
Nasa 15 mga bansa kabilang ang Estados Unidos, Britain, Germany at Japan ang nagsuspinde ng kanilang pondo sa UNRWA kasunod ng mga alegasyon ng Israel.
Ang Canada at Sweden, na kabilang din sa nabanggit na mga estado ay nagpatuloy na sa pagpapadala ng pondo sa ahensiya.
Ang UNRWA ang pinakamalaking aid organization sa Gaza, na mayroong humigit-kumulang 13,000 staff sa nabanggit na teritoryo, kung saan ang pagsalakay ng Israel ay pumatay na ng hindi bababa sa 34,356 katao, na karamihan ay mga babae at bata, ayon sa Hamas-run health ministry.