UN, umapela ng $6.5 milyong ayuda para sa mga sinalanta ng bagyong Odette
Sisimulan ngayong Biyernes ng United Nations, ang isang kampanya para makalikom ng $6.5 million bilang ayuda sa mga naging biktima ng bagyong Odette, na nanalasa sa Pilipinas nitong nakalipas na linggo.
Ayon kay Gustavo Gonzales, country coordinator ng UN, ilalaan ang pondo para sa 530,000 kataong naapektuhan ng bagyo.
Ang salapi ay gagamitin para sa kinakailangang health logistics, inuming tubig at sanitation facilities.
Ayon kay Gonzalez . . . “There is momentum for full support. Now the challenge is that all of this announcement and solidarity is rapidly translated into concrete actions.”
Hindi bababa sa 375 katao ang nasawi, matapos manalasa ng bagyong Odette sa Pilipinas noong nakaraang linggo laluna sa bahaging timog ng bansa.