Unang araw ng paghahain ng certificate of candidacy sa buong bansa para sa 2019 midterm elections, naging mapayapa – PNP
Nagsimula na ngayong araw ang paghahain ng certificate of candidacy para sa mga tatakbo sa lokal at nasyonal na posisyon sa 2019 midterm elections.
Base sa monitoring ng Philippine National Police, naging mapayapa naman ang unang araw ng paghahain ng COC.
Walang anumang untoward incident na naitala lalo na sa mga lugar na itinuturing na election hotspot
Patuloy din na magmomonitor ang PNP hanggang sa pagtatapos ng filling sa October 17.
Mahigpit nilang binabantayan ang nasa 7,915 na baranggay na pasok sa election hotspot.
Sa susunod na linggo,sisimulan na ng pnp ang pagpupulong ng provincial, regional at national security task group para sa honest and peaceful elections.
Sisimulan na rin ang pagrecall sa lahat ng police security personnel na nakadeploy sa mga pulitiko para pag aralan kung dapat pa ba silang bigyan ng seguridad.
Base sa regulasyon ng PNP hanggang 2 police escort lang ang pinapayagan sa bawat indibidwal.
Nakatakda ring ipatupad ng pnp ang reshuffle sa kanilang mga unit commander na may mga kamag anak o malapit na kaibigan na kakandidato sa kanilang mga nasasakupan.
Ulat ni Mar Gabriel