Unang araw ng paghahain ng kandidatura para sa National at Local positions sa 2025, nagsimula na
Umarangkada na ang unang araw ng paghahain ng kandidatura para sa mga kakandidato sa National at Local positions sa 2025.
Ayon kay Comelec Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, lahat ng kanilang tanggapan maging sa Northern Luzon na apektado ng sama ng panahon, ay natuloy ang filing ng Certificate of Candidacy o COC, maliban sa Batanes na bineberipika pa nila.
Ayon kay Comelec Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, “Mga tanggapan sa Northern Luzon specifically sa Cordillera, Region 1 at 2, kahapon nanatiling bukas kahit naulan. Ito ngayon balita namin lahat nagbukas exemption ang Batanes na-verify namin. Sakali di magbukas ang Batanes Comelec, mag-extend pa kami dahil may 8 araw naman mahaba-haba ang filing ng COC.”
Sa pagbubukas ng COC filing, sa Tent City ng Manila Hotel ang venue para sa mga maghahain ng kandidatura sa pagka-senador at partylist group. Unang nakapaghain ng COC si Agri Partylist Rep. Wilbert Lee na kakandidato sa pagka-senador.
Kakandidato siya sa ilalim ng Partido Aksiyon Demokratiko.
Ayon kay Lee, kumpiyansa siya na kahit 1st termer congressman ay may ibubuga siya sa Senado.
Kasama sa plataporma nya ay libreng gamot at trabaho para sa lahat
Sinabi ni Lee, “Naniniwala ako na ang layuning nasimulan natin sa Kongreso, mas marami akong magagawa sa Senado gaya ng murang pagkain sa hapag-kainan ng bawat pamilyang Pilipino, at tiyak na trabaho.”
Naghain rin ng kandidatura para sa Bumbero ng Pilipinas Partylist, si dating Usec. Astravel Pimentel Naik.
Sakaling palaring manalo sa halalan, pangunahin nilang isusulong ang proteksyon ng fire volunteers na katuwang ng Bureau of Fire sa pagresponde sa mga sunog.
Madelyn Villar-Moratillo