Unang bagyo ngayong Agosto pinangalanang “Isang”…Signal number 1 nakataas na sa Batanes at Babuyan Island
Ganap nang isang bagyo ang binabantayang low pressure area o LPA na namataan sa Silangang bahagi ng Batanes.
Ayon sa Pag-Asa-DOST, pinangalanan itong “Isang” na kauna-unahang bagyo ngayong Agosto.
Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na aabot sa 55 kph malapit sa sentro nito at may pagbugso na aabot naman ng hanggang 65 kph.
Tinatahak ni Isang ang West Nothwest sa bilis na 19 kph.
Palalakasin ng bagyong Isang ang hanging habagat, na magdadala naman ng light to moderate rains sa ilang bahagi ng bansa sa mga susunod na araw kabilang na ang Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, Mimaropa, Bicol at Visayas.
Itinaas na ang warning signal no. 1 sa Batanes at Babuyan group of Islands.
Posible rin umanong lumakas pa ito at magiging tropical storm sa susunod na 24 hanggang 36 oras.