Unang batch ng bagong mga tren mula South Korea, nakatakdang dumating ngayong buwan para sa ginagawang MRT-7
Nakatakdang dumating ang unang batch ng tren ngayong unang linggo ng Setyembre na gagamitin para sa Metro Rail Transit 7 (MRT-7).
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang mga bago, moderno at upgraded trains ay gawa ng Hyundai ROTEM mula South Korea.
Ito ay binubuo ng anim na train cars o 2 train sets.
Kapag natapos ang MRT-7, inaasahang mapapaikli na sa 35 minuto ang biyahe o travel time mula sa dating 2 hanggang 3 oras na biyahe mula North Avenue hanggang San Jose Del Monte, Bulacan.
Ayon sa DOTr, ang MRT-7 ay mayroong 14 stations ay kayang maglulan ng 525,000 hanggang 850,000 pasahero kada araw.
Sinimulan ang aktuwal na konstruksyon ng MRT-7 noong August 2016.