Unang batch ng PDLs mula sa BuCor na lumaya ngayong 2025 umabot sa mahigit 500

Kabuuang 525 persons deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya ng Bureau of Corrections (BuCor) ngayong unang buwan ng taon makaraang makumpleto ang sentensya.
NBP- 239
CIW- MAN- 27
SPPF- 66
IPPF- 52
CIW-IPPF- 1
LRP- 27
DPPF- 71
CIW- MIN- 8
SRPPF- 34
Total: 525
Kabilang na rito ang 94 na lumaya nitong Huwebes mula sa iba’t ibang prison and penal farms.
ACTUAL RELEASE JAN. 30, 2025
NBP- 56
CIW- MAN- 1
SPPF- 5
IPPF- 10
LRP- 15
DPPF- 7
Total: 94

Sa 94 na nakalaya nitong Huwebes, pinakamarami ay 56 na PDLs mula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Sa mga unang batch na lumaya ngayong 2025, mayorya ay nag-expire na ang maximum na sentensya na 412.
Isa sa mga lumaya mula sa Bilibid ay si alyas Tyson, 62 anyos na sabik nang makasama muli ang pamilya matapos makulong ng 32 taon.
Ayon kay Tyson, “Nagpapasalamat ako sa butihing pangulo dahil kung hindi po naging pangulo si Bongbong baka hanggang ngayon di pa po ako laya dahil ang ibinigay na sentensya sa akin anim na life.”

Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Catapang, Jr., na ang buwan-buwan na maramihang pagpapalaya ay para sa decongestion at paghahanda para sa tuluyang pagpapasara ng Bilibid sa Muntinlupa.
Sinabi ni Catapang, “Marami pang mangyayari sa darating na panahon. We have 3 yrs. And 4 months to finish to accomplish these changes that we need. Kayo na rin mismo nararamdaman nyo yan na lumuluwag na tayo. Itong facility na ito, isasara na na natin itong New Bilibid Prison Muntinlupa, pero magkakaroon ng New Bilibid Prison Palawan.’
Sa kabuuan ay halos 19,000 ang pinalayang PDLs sa ilalim ng gobyernong Marcos.
PDLS RELEASED UNDER MARCOS ADMINISTRATION – 18,947
Bukod aniya sa pagpapalaya sa PDLs ay magpapatuloy din ang paglipat ng Bilibid inmates papunta sa regional prisons na may pag-apruba ng Palasyo.
Sabi pa ni Catapang, “Lately ay nag-meeting ang ating mahal na pangulo, secretary Boying and other cabinet member, NEDA, DBM, ang sabi nila ituloy ang paglilipat, this coming month after ng ating regional conference, maglilipat tayo ng 500.”
Moira Encina-Cruz