Unang human case ng H5N2 bird flu namatay sa maraming kadahilanan – WHO
Sinabi ng World Health Organization (WHO) na ang lalaking dinapuan ng H5N2 bird flu, ang unang kumpirmadong tao na infected ng nabanggit na strain, ay namatay sanhi ng maraming kadahilanan, at nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.
Inanunsiyo ng WHO noong Miyerkoles, na ang unang kaso ng impeksyon ng H5N2 avian influenza sa tao na nakumpirma sa laboratoryo ay naiulat mula sa Mexico.
Sinabi ng health ministry ng Mexico, “The 59-year-old man had ‘a history’ of chronic kidney disease, type 2 diabetes (and) long-standing systemic arterial hypertension.”
Tatlong linggo itong bedridden bago lumitaw ang acute symptoms, nilagnat, nakaranas ng kakapusan ng hininga, diarrhea, pagduduwal, at general malaise noong April 17.
Ang lalaki ay dinala sa isang ospital sa Mexico makalipas ang isang linggo at namatay nang araw na iyon.
Sinabi ni WHO spokesman Christian Lindmeier, “The death is a multi-factorial death, not a death attributable to H5N2.”
Ayon kay Lindmeier, “His body was tested for flu and other viruses, and H5N2 was detected.”
Nagnegatibo naman para sa influenza ang labingpitong natukoy na contacts ng pasyente sa ospital.
Sa tirahan naman nito, ay 12 contacts ang natukoy na lahat ay pawang nagnegatibo rin.
Dagdag pa ni Lindmeier, “The infection of H5N2 is being investigated to see whether he was infected by somebody visiting or by any contact with any animals before.”
Noong Miyerkoles, sinabi ng WHO na ang source ng exposure ay hindi pa batid, bagama’t napaulat na mayroong H5N2 viruses sa poultry sa Mexico.
Sa assessment naman ng United Nations health agency, ang kasalukuyang panganib sa pangkalahatang populasyon na dulot ng virus ay mababa.
WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus leaves a press conference at the World Health Organization’s headquarters in Geneva, on December 14, 2022. / Fabrice Coffrini / AFP
Samantala, isang dalawa at kalahating taong gulang na batang babae ang nagpositibo sa H5N1, na ibang strain ng bird flu, at kinailangan ng hospital intensive care treatment sa Australia, pagbalik nito mula sa India.
Sa pahayag ng WHO, “This is the first confirmed human infection caused by avian influenza A(H5N1) virus detected and reported by Australia. The exposure likely occurred in India where the girl had traveled, and where this group of ‘viruses’ has been detected in birds in the past.”
Ang bata ay bumiyahe sa Kolkata mula February 12 hanggang 29, bumalik sa Australia noong March 1 at na-ospital sa southeastern Victoria state ng sumunod na araw.
Ang batang babae ay napaulat na maayos naman ang kondisyon, ayon sa WHO, habang ang mga kaanak nito sa Australia man o India ay hindi nagkaroon ng sintomas.
Ang H5N1 ay unang lumitaw noong 1996 ngunit mula noong 2020, ang bilang ng outbreaks sa mga ibon ay lubhang tumaas, kasabay ng pagtaas ng bilang ng infected mammals.
Ang strain ay humantong sa pagkamatay ng milyun-milyong mga manok, habang ang wild birds at land at marine mammal ay nahawahan din.
Sinabi ng WHO na mula 2003 hanggang May 22 ngayong taon, 891 mga kaso ng human H5N1 infections, kabilang na ang 463 pagkamatay, ay naiulat mula sa 24 na mga bansa.
Ang maraming human cases na naitala sa Europa at Estados Unidos mula noong lumitaw ang virus ay banayad.
Ang H5N1 ay ilang linggo nang kumakalat sa dairy cow herds sa United States, na may maliit na bilang ng mga kaso na naiulat sa mga tao.
Ngunit ayon sa mga awtoridad, walang human-to-human infections, sa halip, ang sakit ay tumatalon mula baka patungo sa tao.
Sinabi ni Markus Lipp, senior food safety officer sa Food and Agriculture Organization ng UN, “The risk of contracting avian influenza though eating poultry was ‘negligibly low.’ In all the hundred years of avian influenza… there has not been any demonstrated food-borne transmission.”
Sa media briefing sa pamamagitan ng video-link mula sa FAO headquarters sa Rome, ay sinabi ni Lipp, “Humans do not have avian influenza receptors in their gastro-intestinal tract, contrary to certain animal species, as far as we know. So there is a very slim likelihood, just from that perspective.”