Unang kaso ng Covid-19, naitala sa New Bilibid Prisons

Kinumpirma ng Bureau of Corrections ang unang kaso ng Covid-19 sa New Bilibid Prisons.


Ayon sa Bucor, ang lalaking inmate ay nakaconfine na sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) mula pa noong April 17.

Una na ring inanunsyo ng Bucor na 19 na inmates at isang Jail personnel sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong city ang nagpositibo sa Covid-19.

Inilagay na sa isolation ang 40 bilanggo sa Bilibid matapos ang contact tracing na isinagawa makaraang i-admit sa RITM ang lalaking inmate.

Inilipat ang mga ito sa mas malaking quarantine area na tinatawag na Site Harry habang hinihintay ang resulta ng kanilang test.

Isinailalim na rin sa quarantine ang medical staff na umasikaso sa pasyente.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us: