Unang pulong ng IATF ngayong taon, ipinatawag ni Pangulong Duterte sa Davao
Muling pupulungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Inter-Agency Task Force o IATF sa Davao City.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na ito ang unang meeting ng IATF ngayong taon.
Ayon kay Roque inaasahang tatalakayin ng Pangulo ang ukol sa binabatikos na pagbabakuna ng mga miyembro ng Presidential Security Group o PSG gamit ang hindi pa otorisadong Sinopharm vaccine ng China.
Inihayag ni Roque bibigyan din ng update si Pangulong Duterte mula sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan ukol sa kaso ng COVID 19 kasama na developments sa isinasagawang negosasyon sa pagbili ng bansa ng bakuna.
Muli ring haharap sa taongbayan ang Pangulo sa pamamagitan ng kanyang Talk to the Nation para bigyan ng update ang publiko sa mga ginagawang hakbang ng pamahalaan laban sa pandemya ng COVID 19.
Vic Somintac