Unang simultaneous earthquake drill ngayong taon, matagumpay-NDRRMC

 

Matagumpay ang isinagawang simultaneous Earthquake drill kahapon.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, muling namalas ang pakikipagkaisa at positibong tugon ng ating mga kababayan bilang paghahanda sa banta ng isang malakas na pagyanig.

Pero bukod aniya sa kooperasyon ng mga lokal na pamahalaan, umabot din sa 228 million ang nag-like at nag-share ng isinagawang aktibidad sa social media.

Kaugnay nito, sinabi ni Marasigan na abangan pa ang mga susunod na serye ng earthquake drill para sa taong ito.

Simula pa lamang ito para sa taong ito dahil quarterly itong ginaganap ng ating National Council para sa kampanya natin sa Preparedness. So sa next quarter meron pa rin po tayo at iba pa na hinihintay natin na pagsasanay para sa paghahanda sa malakas na pagyanig”.

Samantala, tiniyak ni Marasigan na tuloy din ang pakikipag-ugnayan ng NDRRMC sa mga local government para tiyaking sapat ang mga kagamitan sakaling dumating ang malakas na lindol.

Bukod dito, tuluy-tuloy din aniya ang ginagawa nilang pagsasanay at edukasyon para sa mga emergency responders.

Meron din aniya silang ginagawang pakikipag-ugnayan sa mga emergency response team sa ibang bansa, katunayan, may isasagawang programa sa ating bansa sa Hunyo para sa pagsagip at pagresponde na pangungunahan ng mga ahensya mula sa iba’t-ibang mga bansa.

“Tayo ay may mga programa na nakikiisa sa iba’t-ibang bansa. So yung tinitingnan natin yung cooperation at collaboration sa other agencies from other countries na malapit sa ating bansa na magbibigay ng ayuda sa atin. May pagsasanay din tayo dyan na dapat abangan ng ating mga kababayan sa darating na Hunyo”.

 

===  end  ===

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *