Unemployed Pinoys, pumalo sa 8.7M noong Marso – SWS
Nasa 8.7 million na Pilipino ang walang trabaho noong nakaraang Marso.
Batay ito sa isinagawang survey ng Social Weather Station (SWS) .
Katumbas ito ng 19% ng adult labor force ng bansa.
Gayunman, mababa ito kaysa 21.3% o katumbas ng 9.6 million Filipino na walang trabaho noong Disyembre 2022.
Pero ito ay mas mataas sa pre-pandemic data numbers na 17.5% noong Disyembre 2019.
Ayon sa SWS, ang naging pagbaba sa joblessness nitong buwan ng Marso 2023 ay bunsod ng pagbaba ng unemployment rate sa lahat ng mga lugar sa bansa, maliban na lamang sa mindanao.
Pinakamataas ang naitala sa balance Luzon na nasa 21.7%, na sinundan ng 19% sa Mindanao, Metro Manila sa 17.5% at Visayas na may naitalang 13.5%.
Una nito, nagpeak noong Hulyo 2020 ang joblessness sa 45.5% sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic na bumaba naman pagtapak ng mga buwan ng Setyembre 2020 hanggang Disyembre 2022.
Sa nasabing survey, nasa 62.4% ang labor force participation rate ng bansa o katumbas ng 45.9 million.