Unemployment rate ng bansa, nasa 3.73 M noong Hulyo 2021 – PSA
Patuloy pa ang pagtaas ng bilang ng mga walang trabaho sa bansa dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Sa buwanang Labor force survey ng Philippine Statistic Authority na ginawa noong Hunyo, aabot na sa 3.76 Million ang walang trabaho.
Bahagya itong mas mataas kumpara sa 3.73 million na naitala noong Mayo ngayong taon.
Aabot naman sa 45.08 million ng populasyon ang mga trabaho o negosyo noong Hunyo.
Sinabi ni National Statistician USEC Dennis Mapa na pinangangambahang lalo pang tataas ang unemployed oras na isinailalim na naman sa ECQ ang ilang lugar kabilang na ang Metro Manila.
Nauna nang sinabi ng DOLE na tinatayang aabot sa 167,000 na mga manggagawa sa Metro Manila ang maaring maapektuhan sa dalawang linggong lockdown.
Meanne Corvera