Unemployment rate sa bansa, tumaas nitong Hunyo
Tumaas pa ang bilang ng mga Filipinong walang trabaho nitong Hunyo ngayong taon.
Batay sa Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), umaabot na sa 2.99
million ang naitalang unemployed.
Tumaas ito ng 62,000 o 6% kumpara sa 2.93 million noong Mayo ngayong taon.
Sinabi ni National Statistician Usec Dennis Mapa ng PSA, kabilang sa mga
industriya na nawalan ng trabaho ay wholesale and retail trade, manufacturing,
accommodation at food service activities, transportation at financial and insurance.
Samantala, umaabot naman sa 5.89 million ang bilang ng underemployed o
mga manggagawang naghahanap pa ng ekstrang trabaho o dagdag na oras ng kanilang
trabaho.
Meanne Corvera