Universal Health Care bill aprubado na sa Senado
Pingtibay na sa plenaryo ng senado ang panukalang universal health care.
Bago aprubahan ang panukala, sumulat si Pangulong Rodrigo Duterte kay Senate President Vicente Sotto para ipaalam na kailangan nang paspasan ang panukala.
Sa inaprubahang panukala, mabibigyan na ng pantay na access ang lahat ng filipino sa health services
Otomatiko na ng mapapabilang ang mga pinoy sa contributor man o hindi.
Palalawakin na rin ang sakop ng Philhealth coverage kung saan isasama na ang mga consultation fees, labotarory tests at iba pang diagnostic services.
Para tugunan ang kakulangan sa mga doktor at iba pang medical experts, ooblligahin naman ang mga nagtapos sa health related courses sa mga state colleges and universities na magsilbi sa mga pampublikong ospital sa loob ng tatlong taon.
Ulat ni Meanne Corvera