Universal Health Care bill, inaprubahan na sa Bicameral Conference Committee
Lumusot na sa bicameral conference committee ang universal health care.
Nagkasundo ang mga kongresista at senador na miyembro ng bicam panel na ang pondong gagamitin sa ipinasang panukala ay kukunin sa sin tax collections sa ilalim ng republic act 10351.
50 percent ng pondo ay kukunin sa national government share mula sa kinita ng philippine gaming. corporation.
Maari ring kumuha ng pondo sa documentary stamp tax payment at mandatory contributions ng mga miyembro ng philippine health insurance corporations at taunang budget ng department of health ang pondo ay direktang mapupunta sa philhealth na gagamitin sa pagpapalakas ng kanilang serbisyo
Sa ilalim ng universal health care lahat ng piipino ay magiging miyembro na nf philhealth at malilibre na sa pagpapakonsulta at mga laboratory tests.
Ulat ni Meanne Corvera