Universal Health Care bill, malapit nang maisabatas – Sen. Angara

 

Malaki ang tsansa na maging ganap nang batas ang isinusulong na Universal Health Care bill bago matapos ang 2018.

Ayon kay Senador Sonny Angara, co-author ng nasabing batas, ipadadala na lamang ang final version nito sa malacañang para malagdaan ni Pangulong Duterte.

Sa ilalim ng nasabing batas, lalawak pa ang tulong medikal ng pamahalaan sa mga mahihirap sa pamamagitan ng Philhealth.

Paliwanag ni Angara, chairman ng Senate Ways and Means committee, sasakupin na rin ng nasabing batas pati ang pagpapa-konsulta at hindi lamang sa mga nako-confine sa pagamutan.

Tiniyak naman ng Senador na may pagkukunan ito ng pondo na magmumula sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan at mga buwis mula sa sigarilyo at alak.

Sa sandaling maisabatas na ito aantayin na lamang ang 30 to 60 days bago ito maipatupad.

Yung pondo ay makukuha s aiba’t-ibang ahensya ng pamahalaan gaya ng Pagcor, PCSO, DOH, Philhealth at iba pa. Malapit na po, malaki na ang tsansa na maisabatas po yan”.

=================

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *