Unlimited rice pinalilimitahan na ng Senado
Hinihimok ng Senado ang publiko na magtipid sa pagkain ng kanin.
Sa harap ito ng plano ng gobyerno na mag-angkat ng karagdagang bigas dahil sa kakapusan ng suplay nito.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Agriculture sinabi ni Senador Cynthia Villar na dapat gayahin ng mga Pinoy ang Japan at China na hindi masyadong kumakain ng kanin.
Sa halip na kumain ng kanin, inirekomenda nito ang pagkain ng mas maraming gulay.
Bukod sa dalang sakit ng sobrang pagkain ng kanin, lumilitaw aniya sa pag-aaral ng mga eksperto na umaabot sa 23 milyong pisong halaga ng bigas ang nasasayang araw-araw.
Inihalimbawa nito ang mga restaurant na nag-aalok ng unlimited rice na aniyay nag-aaksaya lang ng bigas dahil hindi naman nauubos ng mga parokyano ang sobra-sobrang kanin.
Sa pagdinig ng Senado, lumiltaw na umaabot sa 32 thousand five hundred metric tons o katumbas ng 12 million metric tons ang kinakailangang suplay ng bigas sa loob ng isang taon.
Ayon kay Villar, sobra-sobra ang inaangkat na bigas ng gobyerno kaya marami rin ang nasasayang na supaly.
Kinumpirma naman ng NFA na tuloy pa rin ang pag-aangkat ng bigas ngayong taon bilang augmentation sa domestic supply.
Sa inilabas na statement ng tanggapan ni Secretary Leoncio Evasco, aangkat ng bigas sa pamamagitan ng government to private transactions.
Apat na tranches ang inaasahan ng gobyerno kung saan batay sa schedule, ang unang 30 percent ng aangkating bigas ay darating sa bansa mula August hanggang September ng taong ito.
Ang balanse ay darating naman mula December hanggang February 2018.
Ulat ni: Mean Corvera