Unyon ng mga empleyado ng Senado, umalma sa paratang na konektado sila sa CPP-NPA
Umalma ang unyon ng mga empleyado ng Senado na konektado umano ang kanilang grupo sa komunistang grupong New People’s Army.
Sa harap ito ng paratang ni National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Director General Alex Paul Monteagudo na may alyansa umano ang Sandigan ng mga Empleyadong Nagkakaisa sa Adhikain ng Demokratikong Organisasyon (SENADO) sa CPP-NPA.
Sa isang statement, kinondena ng grupo si Monteagudo at iginiit na wala silang alam sa sinasabi nitong umano’y pangha-hijack nila sa mga proyekto at programa ng pamahalaan.
Tinawag rin nilang malisyoso, walang basehan at mapanganib ang Facebook posts ni Monteagudo.
Kahapon ay ibinahagi ni Monteagudo sa kaniyang Facebook ang graphic kung saan inuugnay ang Senado kasama ang Confederation of Unity Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE) sa makakaliwang grupo.
Marahil aniya idinawit sila ng NICA matapos nilang kondenahin ang Red Tagging ng DILG sa mga lehitimong organisasyon.
Giit ng grupo, isa silang lehitimong unyon ng mga manggagawa na nakarehistro sa Department of Labor and Employment (DOLE) at nabigyan na ng pagkilala ng Civil Service Commission noon pang 1993.
Statament SENADO:
“We firmly believe that such blatant attack against the union, which is a legitimate organization of Senate employees, is a response to our position denouncing the memorandum issued by the DILG on the red-tagging of legitimate and progressive organizations and public sector unions, and for supporting COURAGE as an affiliate member”.
“We vehemently deny any affiliation/connection with the CPP – NPA – NDF and being their “eyes and ears” in the Senate to hijack plans and programs of the government. SENADO is a legitimate union of employees in the Senate, registered in the Department of Labor and Employment, and recognized by the Civil Service Commission since 1993. The three (3) Collective Negotiation Agreements (CNAs) that we had negotiated with previous Senate Presidents Juan Ponce Enrile, Franklin Drilon and Koko Pimentel prove our legitimacy as a union that stands for employees’ rights, interest, and welfare”.
“As an affiliate of COURAGE, we were able to achieve those accomplishments through their assistance and other affiliates’ support. Again, in the Senate, we were able to protect our rights, advance our welfare and benefits through the Collective Negotiation Agreement. Having a CNA for a decade is a recognition of our right as a legitimate union”.
Meanne Corvera