UP Los Baños isinasaayos na ang mga laboratoryo para magsilbing Covid-19 testing center

Inihahanda na ng UP Los Baños ang ilang laboratoryo nito para maging Covid-19 testing center.

Ayon kay UPLB Vice Chancellor for Research and Extension Rex Demafelis, prayoridad nila ngayon ang pagtatag ng Covid-19 testing center na may kapasidad na magsagawa ng parehong rapid tests at ng Gold standard na RT-PCR Test.

Sa pagtaya ni Dr. Demafelis, matatapos sa loob ng linggong ito ang lay-out design habang ang retrofitting ng mga laboratoryo ay magsisimula sa susunod na linggo.

Kung wala aniyang magiging aberya sa paghahanda kanilang ang Staff training at pagkuha ng mga supplies ay maaaring makapagsimula ang UPLB ng Covid-19 test sa Mayo.

Si Demafelis ang over-all chair ng Task Force LB kontra Covid-19 na binubuo ng limang komite.

Isa na rito ang Committee on Establishments of the UPLB Covid-19 testing center na magsasagawa ng auditing at assessment ng Biosafety level 2 ng mga laboratoryo para matiyak na handa ito sa Stage 2 validation ng DOH.

Ilan sa mga ikinukunsidera na gawing Covid-19 testing center ang mga laboratoryo sa Institute of Plant Breeding at National Institute of Molecular Biology and Biotechnology o Biotech na nasa labas ng UPLB campus.

Ulat ni Moira Encina




Please follow and like us: