Urban Agriculture at School gardening para sa food security ng bansa , isinusulong sa Kamara
Sa gitna ng mataas na presyo ng pagkain at pangunahing bilihin isinulong ni AGRI Partylist Representative Wilbert Lee ang Urban Agriculture.
Sa ilalim ng House Bill 1297 o Instructional Gardens and Urban Agriculture Act of 2022 ang Department of Agriculture katuwang ang Department of Science and Technology o DOST ay inaatasan para sa paglulunsad ng urban agriculture at vertical farming sa urban areas at iba pang angkop na lugar sa bansa.
Ang mga idle o abandonandong government lots, gusali, maging sa state universities at colleges ay maaaring gamitin para sa pagtaatnim ng gulay o kaya’y pag-aalaga ng mga livestock.
Batay sa panukala ni Lee hinihimok din ang mga local government units o LGU’s na bumuo ng patakaran para sa urban agriculture at vertical farming.
Nakapaloob din sa panukala ang pagsasama ng Instructional Gardens Program sa academic curriculum ng elementary at secondary level students sa pribado at pampublikong mga paaralan.
Ang mga pribadong indibidwal at korporasyon na magbibigay ng grants, endowments, donations, o contributions at technical assistance para sa implimentasyon ng institutional gardens sa mga paaralan ay bibigyan ng tax incentives.
Naniniwala si Lee na sa pamamagitan ng Urban Agriculture ay makakatulong sa gobyerno para makamit ang pagkakaroon ng food security sa bansa.
Vic Somintac