Urban gardening at mushroom propagation livelihood programs, isinusulong sa Villamor, Pasay City
Iba’t-ibang livelihood program na maaaring makatulong sa panahon ng krisis dulot ng pandemya, ang isinusulong sa Barangay 183 sa Villamor, Pasay City.
Kabilang dito ang urban gardening at mushroom propagation.
Kumpiyansa ang buong konseho ng Brgy. 183, na malaking tulong ang pagsusulong ng iba’t-ibang programang pangkabuhayan upang maitaguyod ang pamumuhay ng bawat pamilyang naninirahan sa kanilang lugar, sa gitna ng krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.
Dahil dito, ilan sa mga programang isinagawa ngayong Oktubre 5, ang urban gardening at mushroom propagation training, sa pamamagitan ng online upang masunod ang safety at health protocol na ipinatutupad ng IATF.
Layon ng programa na maitaguyod ang malusog at malinis na kapaligiran ng isang urbanized city, maging ang pagtatanim ng nga halamang siguradong magagamit sa pang araw-araw na pangangailangan, makaiwas sa mental challenges gaya ng stress at anxiety na maaaring mauwi sa matinding depresyon, dulot ng pandemya.
Ang naturang livelihood program and training ay pinangunahan ng Bureau of Plants Industry, kung saan naglaan sila o magbibigay ng libreng mga buto ng gulay at prutas, punla, mushroom fruiting bags at garden materials, na magagamit panimula sa pagtatanim.
Jimbo Tejano