Uri ng asin, may epekto sa pagtaas ng Blood pressure, ayon sa eksperto
Ang asin ay isang mineral na pangunahing binubuo ng Sodium Chloride.
Ito ang isa sa mga pinakaluma at karaniwang pampalasa ng pagkain.
Ayon kay Master Roberto Cajanding Uy, Functional Medicine Specialist, mas mainam na ang gamitin na uri ng asin ay rock salt.
Ang rock salt ay naglalaman ng mas kaunting sodium kaysa sa table salt.
Sinabi ni Master Uy na ang rock salt ay may taglay na 81 mineral na may malaking maitutulong sa ikapananatiling malusog ng katawan.
Master Roberto Cajanding Uy:
“Ang kailangan nating malaman ay bakit tumaas ang blood pressure …may dahilan kasi…ang isang pagtaas ng blood,pressure ay posibleng maling asin…maraming klaseng asin…dapat ang ginagamit na asin ay ung rock…remember na ung rock salt, it has 81 minerals…kumpleto yan, the body needs 91….kaya nga mayroon tayong tinatawag na multivitamins with minerals…complete…because the body needs it.”
Ngunit, tulad ng madalas na sinasabi ng health expert, anumang kakainin, iinumin at gagamitin, lagi lang in moderation.
Ulat ni Belle Surara