US Catholic diocese pumayag sa $87.5 million deal para i-settle ang sex abuse lawsuits
Isang diyosesis sa New Jersey ang sumang-ayon na magbayad ng $87.5 milyon para sa daan-daang sexual abuse claims, na isa sa pinakamalaking settlements na kinasasangkutan ng Simbahang Katoliko sa Estados Unidos.
Ang kasunduan sa pagitan ng diyosesis ng Camden, malapit sa Philadelphia, at 300 biktima tungkol sa pang-aabusong ginawa ng mga pari noong 1970s at 1980s ay inihayag noong Martes.
Ayon sa US media, ang naturang payout ay higit na malaki kaysa halos $85 million settlement noong 2003, kaugnay naman ng clergy abuse scandal sa Boston nguni’t mas maliit kaysa iba pang settlements sa California at Oregon.
Sinabi ng site na bishop-accountability.org na apat na agreements lamang ang lumampas sa $100 million simula sa mga unang bahagi ng 2000s.
Si Dennis Sullivan, ang obispo ng diyosesis ng Camden, ay nagpahayag ng kanyang “taos-pusong paghingi ng tawad” sa lahat ng mga biktima at nangakong titiyakin na hindi na mauulit ang gayong pang-aabuso.
Ang diyosesis ay nagdeklara ng pangkabangkarote noong 2020 at pinangalanan ang 56 mga pari at isang diakonong pinaniniwalaang nang-abuso ng mga bata.
Inaasahang sa Hunyo ay aaprubahan ng isang bankruptcy judge ang kasunduan at ang pera ay ipadaraan sa isang trust na siya namang magbabayad sa mga biktima.
Ang mga taon ng US Catholic Church ay niyanig ng mga akusasyon at pagsisiwalat ng sekswal na pang-aabuso na ginawa ng mga pari.
Sa pagitan ng 1950 at 2016, ang US Catholic Church ay nakatanggap ng 18,500 reklamo laban sa 6,700 clergy members, ayon sa bishop-accountability.org.
Ang ilang senior church members naman sa US ay napilitang magbitiw dahil sa pagprotekta sa mga paring sex offenders, kabilang ang namayapang cardinal na si Bernard Law.
Noong isang taon, ang dating US cardinal na si Theodore McCarrick, ang pinakamatandang senior Roman Catholic official sa America na naharap sa kasong kriminal kaugnay ng malawakang eskandalo ng pang-aabuso ng mga pari, ay nag-plead ng not guilty sa mga kaso na inabusong seksuwal niya ang isang teenager na lalaki.